
Muling ginawaran ang Pamahalaang Bayan ng Tiaong ng 2025 PhALGA Excellence Award mula sa Philippine Association of Local Government Accountants (PhALGA)!
Ito ay pagkilala sa tatlong taong sunod-sunod (2022–2025) ng mahusay, tapat, at transparent na pamamahala sa pananalapi ng Lokal na Pamahalaan, na kinilala ng COA sa pamamagitan ng Unmodified/Unqualified Audit Opinion.
Isang malaking pasasalamat at pagbati kina Mayor Vincent RJ Mea at Municipal Accountant Officer Ma. Doris B. Bigyan, CPA sa kanilang mahusay na pamumuno at dedikasyon para sa maayos at makataong pamahalaan.
