Pormal nang binuksan at binasbasan ang bagong Senior Citizens Building sa Brgy. San Pedro, Tiaong, Quezon kahapon, Enero 28, 2025. Pinangunahan ni Father Edwin Baruelo ang pagbabasbas ng gusali, na sinaksihan ng mga opisyal ng bayan at barangay.

Pormal itong dinaluhan nina Mayor Vincent RJ Mea, Vice Mayor Dick Umali, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Rex Bautista, Kon. Maja Escueta, Kon. Eula Lopez, Kon. Jonas Atienza, Kon. Rec Rec Baldeo, Kon. Tom Ilao, at Brgy. Kagawad Alvin De Villa. Kasama rin sina Kapitan Ricky Manimtim at mga Barangay Officials, pati na rin sina Mayora Mabeth Mea at Executive Assistant Sir Diego Mea.

Ang bagong gusali ay magsisilbing maayos at ligtas na lugar para sa mga senior citizens ng barangay, bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng nakatatandang sektor.

#LetsMakeTiaongStrongerTogether #MEAksyonAgad