Matagumpay na isinagawa ang blessing ng bagong concreted local access road sa Sitio Mabato, Barangay Ayusan 1, kahapon, Enero 28, 2025.

Pormal itong dinaluhan nina Mayor Vincent RJ Mea, Vice Mayor Dick Umali, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Maja Escueta, Kon. Rex Bautista, Kon. Jonas Atienza, Kon. Tom Ilao, at Kon. Rec Rec Baldeo. Nakiisa rin sa programa sina Kapitan Jun Fernando at mga Barangay Officials, pati na rin sina Executive Assistant Sir Diego Mea at Mayora Mabeth Mea.

Pinangunahan ang pagbabasbas ng kalsada ni Rev. Father Edwin Baruelo, na nagbigay ng panalangin para sa kaligtasan at patuloy na kaunlaran.

Ang bagong kalsada ay inaasahang magpapabuti sa daloy ng transportasyon at magbibigay ng mas maayos na access sa mga residente ng Sitio Mabato at karatig na lugar.

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Tiaong, sa pangunguna ni Mayor Vincent RJ Mea, ang mga proyekto para sa mas magandang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan sa bayan ng Tiaong.

#LetsMakeTiaongStrongerTogether #MEAksyonAgad