Ngayong araw, Mayo 28, 2025, pormal nang binuksan sa publiko ang Bagong Air conditioned Waiting Area ng ating Rural Health Unit.

Ang bagong pasilidad ay inaasahang magdudulot ng mas maayos at komportableng karanasan para sa mga pasyente habang naghihintay ng serbisyong medical. Isang patunay ito ng patuloy na pagtutok ng Lokal na Pamahalaan sa kalusugan at kapakanan ng bawat Tiaongin.

Ang kaganapan ay pormal na dinaluhan nina Mayor Vincent RJ Mea at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Maja Escueta, Kon. Rec Rec Baldeo, Kon. Jonas Atienza, at Kon. Tom Ilao.

Pasasalamat din kay Father Jeff Rosales sa pagbabasbas ng pasilidad.

#MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether