
Noong Enero 28, 2025, isinagawa ang pormal na blessing ng bagong drainage system sa Barangay Ayusan 2 bilang bahagi ng proyektong pang-imprastruktura ng lokal na pamahalaan.
Pormal na dinaluhan ito nina Mayor Vincent RJ Mea, Vice Mayor Dick Umali, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Rex Bautista, Kon. Maja Escueta, Kon. Eula Lopez, Kon. Jonas Atienza, Kon. Rec Rec Baldeo, Kon. Tom Ilao, at Brgy. Kagawad Alvin De Villa, Naroon din upang makiisa sina Kapitana Angelina De Galicia, at mga Barangay Officials. Kasama rin sa okasyon sina Mayora Mabeth Mea at Executive Assistant Sir Diego Mea.
Pinangunahan ni Father Edwin Baruelo, ang pagbabasbas sa proyekto. Ang bagong drainage system ay inaasahang makatutulong upang maiwasan ang pagbaha at mapabuti ang kalinisan sa komunidad.
Ayon kay Mayor Vincent RJ Mea, ang proyektong ito ay bahagi ng kanilang layunin na maghatid ng serbisyong tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
#LetsMakeTiaongStrongerTogether #MEAksyonAgad



