Ginanap kahapon, Mayo 27, 2025, ang pamamahagi ng Social Pension para sa indigent senior citizens, sa Tiaong Town Plaza.

2,920 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay na sumailalim sa verification ng Provincial/Regional DSWD ang tumanggap ng kanilang buwanang pensyon. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) katuwang ang Pamahalaang bayan sa Pangunguna ni Mayor Vincent RJ Mea. Ito ay Pormal na dinaluhan ni Konsehal Maja Escueta.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng karampatang tulong pinansyal ang mga nakatatanda bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

#MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether