Ngayong araw, Enero 30, 2025, 106 na mga magsasaka at hog raisers mula sa bayan ng Tiaong ang tumanggap ng kanilang insurance claims mula sa Philippines Crop Insurance Corporation (PCIC) bilang tulong sa mga naapektuhan ng Typhoon Kristine at African Swine Fever (ASF).

Ang seremonya ay ginanap sa Municipal Hall Lobby na pinangunahan ng Municipal Agriculture Office, sa ilalim ng direktiba ni Mayor Vincent RJ Mea, ito ay pormal na dinaluhan ni Vice Mayor Dick Umali, Kon. Jonas Atienza, Kon. Maja Escueta, Kon. Eula Lopez at SK Fed President Kenneth Obispo.

Sa kabila ng mga hamon dulot ng kalamidad, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong sektor upang matulungan silang makabangon

#LetsMakeTiaongStrongerTogether #MEAksyonAgad